#10thingsiwanttosaytotendifferentpeople
I'm thinking of what to post here because my semestral break already started, but all I can think about is random rants and updates about school, TV series I'm watching and whatnots... and that's all freaking boring. So I decided to do this 10-day blog challenge I found on Google. :)
Day1: Ten things you want to say to ten different people
Day2: Nine things about yourself
Day3: Eight ways to win your heart
Day4: Seven things that cross your mind a lot
Day5: Six things you wish you'd never done
Day6: Five people who mean a lot
Day7: Four thins that boys do that you hate
Day8: Three things that boys do that you love
Day9: Two smileys that describe your life right now
Day10: One confession
10 Things I Want To Say To Ten Different People
... but I won't. (hehe)
1. Mama - Salamat sa napakahaba mong pasensya sa aming magkakapatid kahit ang ingay mo palagi. Tulog ka lang diyan, alam kong di kinaya ng powers ng hita mo ang jogging natin kahapon. I love you!
2. Papa - Salamat sa pagpupursige mong magtrabaho diyan sa kung nasaan ka man (bilang palipat-lipat ka ng bansa, haha) para buhayin kaming lahat. Gusto na akong makapiling ni Siri, palitan mo na 'yung iPhone ko ng 4S. I love you! Hahaha! Okay lang ba kung mountain bike ang hilingin ko sa'yo sa pasko? Hehehe.
3. Auntie Kikay - I don't know what's up with you right now, but you can always talk to me. I know you have a lot of things in your mind, and I just want you to know that you can share those with me. Usap tayo.
4. Lolo - I know you're expecting a lot from me... all of you, actually. Pero please don't make your expectations high(if ever they are) kasi hindi naman ako ganoon kaperpekto. Above all else, may expectations din ako mula sa sarili ko, pero hindi ganoon katayog. Hindi naman sa wala akong pangarap, pero alam ko kasi kung ano lang ang kapasidad ko eh. Nobody knows that except me. I'm afraid of failing because of you.
5. Auntie Wiwa - Thank you for being my best friend. Di ko man nasasabi lahat sa'yo, pero I know naiintindihan mo ako. Sa lahat ng binigay(at ibibigay, hehehe) mo sa akin, I will always be thankful. Alam ko gusto mo ako diyan sa Singapore pagkagraduate ko, ako rin gusto ko naman... pero pangarap ko talagang simulan ang tunay na buhay na mag-isa lang ako... sa USA. Hehehe. Actually, I'm scouting for places sa tulong ni Google eh. Hehehe. Wag kang mag-alala, someday makakarating din ako diyan without any hindrance.
6. Tyne - Alam mo teh, feeling ko ikaw ang soulmate ko(not in a romantic, creeper kind of way, hahaha). Sobrang dami nating similarities at sa halos lahat ng bagay ay nagkakasundo tayo. Feeling ko ikaw talaga ang nawawala kong kapatid from another mother. Yung dreams natin after graduating, sana matupad. Alam kong marami pa tayong pagdadaanan kaya naman nandito lang ako palagi for you, at sana ganoon ka rin sa'kin(shet i'm so creepy). Wala talagang ibang tao na katulad kong mag-isip tungkol sa mga bagay-bagay kundi ikaw. Soulmates forever! Love you!
7. Joan and Deyn - Because they count as one like yeah. :D Kayo, kayo ang dalawang best friends ko! Iisa lang yata bituka nating tatlo eh. Kung ano trip, doon tayo. Open tayo sa isa't-isa, and I'm very happy na ganoon tayo. Pag birthday ko please, sa Booksale niyo na lang ako dalhin ha? Hindi niyo alam kung gaano ako ka-thankful at nagtama ang ang mga landas natin. Love you both!
8. Stranger - As in stranger. No one in particular. Hello. Pwede mo akong ngitian. Mabait ako. Sana pag nagtagpo landas natin, maging simula 'yun ng isang magandang pagkakaibigan. Cool ako, promise.
9. Sa Lalaking Pakakasalan at Mamahalin Ko Habangbuhay - Nasaan ka na ba? Hindi naman ako atat pero gusto ko lang malaman kung nag-eexist ka ba talaga(hehe). :D Sana spur-of-the-moment o random lang yung pagkikita natin noh? Tapos magkikita ulit tayo, and we'll realize that it's fate. Sana hindi pa kita kilala, kasi wala pa akong gustong pakasalan sa lahat ng kakilala kong tao eh. Hahaha. I found the perfect song na mamartsahan ko sa araw ng kasal natin. Naiiyak na nga ako ngayon pa lang eh. Alam ko na rin kung ano ang ipapangalan ko sa magiging anak natin. Sana bigyan ako ng sign ni Lord kung kailan kita matatagpuan(pero syempre di ko pa alam na ikaw ang pakakasalan ko, hehe). Nandito lang ako. Gusto ko lang i-remind ka na... hindi naman kailangang maging perpekto ang pagmamahalan natin, ang kailangan lang, totoo. I will wait for you, and I love you. :)
10. To The Person I Love The Most, Myself - Bilang self-centered kasi ako... joke. Hahaha. Wag kang matatakot na mag-take ng risks. Gawin mo kung ano ang gusto mo. Sundin mo ang puso mo. Wag kang matatakot mag-fail, kasi 'yun lang ang tanging paraan para matuto ka. Diba nga, ang favorite saying mo eh "The only real mistake is the one from which we learn nothing."? Mahaba pa ang lalakbayin mo, huwag mong madaliin, mag-enjoy ka lang. Atsaka ano, wag ka namang masyadong tamad. Hahaha! Magpapayat ka na rin, okay? Alam kong matutupad mo ang pangarap mong bumuo ng buhay wherein masasabi mong "Masaya ako." Kaya mo 'yan. Fight! <3
Labels: blog challenge, life, me


0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home