Dafuq bro
Ewan ko kung anong problema ng kapatid kong lalaki. Ang bastos sumagot eh. Palagi na lang. Eh bilang may bagong saying ako sa buhay na "Be the bigger person. Always be the bigger person." eh di hinahayaan ko na lang. Pinagsasabihan ko naman minsan pero sobra na talaga eh. Hindi na ako yung tipong naooffend eh, nakakagalit na eh. Sumosobra na talaga siya.
Rant over.
Atsaka nga pala, nandito pa rin yung uncle ko. Hindi naman siya kumikilos rito sa bahay eh. Tapos nung isang araw lintik niyang matahin ang kasambahay namin. Tapos kapag walang nakakakita, hindi nagfaflush ng toilet bowl, eh nataon kasing nag-cr siya na nakahiga na ako pero gising pa ako nun. Tapos pag may favor, paminsan di nagpapasalamat. Hayop talaga eh. Isang 'saying' din ang binigay ko sa sarili ko. Na hangga't hindi ako ang nagpapakain sa kanya rito, hindi na lang ako magrereklamo. Tatay ko naman nagpapakain at umaampon sa kanya eh. So dito na lang ako sa blog ko magbibitchesa.
Rant over.
Ang dark ko na yata. Hahaha. On a brighter note, pag-uwi ni Mama sa September 15, sisimulan na ang pag-asikaso sa construction ng bahay namin sa Marymount. HURRAY! So excited. <3
Labels: family


2 Comments:
Mabuti na lang may blog ka... nailalabas mo ang negative nasa paligid mo.. peace!
Buti na lang talaga! Salamat bro!
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home