Friday, September 14, 2012

Prod no more

First legit theater prod ko ang Shushugud. At tapos na ito. Tama rin naman ako dati, na alam kong kahit nakakapagod ang mga pinaggagagawa namin tuwing gabi for almost three months eh magiging fulfilling pa rin lalo na sa araw ng show. Nakakainspire ang mga palakpak at tawa ng mga tao. Nakakataba ng puso kapag naaappreciate ng tao 'yung ginawa mo. Sobrang saya lang. Sabi ko nung una, ito na ang una at huli kong theater prod. Ewan ko, feeling ko mababago 'yun. Siguro, oo, last theatre prod ko na ito habang estudyante pa ako. Hirap kasi talaga akong pagsabayin ang acads at ang pagpoprod.

Sabi nga ng Stage Manager namin... masakit, mahirap, nakakapagod, pero binabalik-balikan.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home